2/14/13

Ash Wednesday

Humabol kami sa misa kagabi para sa pagdiriwang ng Ash Wednesday. Nagtaka si Gaby ng makita niya ang ilang tao na may bahid ng itim na krus sa noo. Tinanong niya ako kung ano yun? Sinabi ko na iyon ang star na binibigay ni Jesus sa mga mababait na bata, parang star din na binibigay sa kanya ng titser niya pag very good siya sa klase. Gusto daw niya noon!

Nang mapahiran na kami ng abo sa noo. Nakita ko sa asawa ko ang pagkagulat ng makita ako. Pilit na pinipigil ang tawa at sinabing  "napalaki ang krus sa noo mo!". Hindi ako naniwala inisip ko na inaasar lang niya ako. Maya-maya pa ay humarap sakin si Gaby.

"Daddy, I want to have a big cross like that!" (Sabay turo sa noo ko).

Tumingin ako sa salamin at napatunayang halos kalahati ng mukha ko ang sakop ng krus sa noo ko.

"Anak, wala sa laki yan, mukhang napagtripan lang ang daddy mo ni Father!"

Agad akong nagnilay...

1 comment:

Grace said...

Di ko talaga mapigil tawa ko nun sa simbahan. naiiyak na ko katatawa hanggang sa kotse.. hahaha! seryoso pa naman si gaby sa pagkakasabi.. winner!