1/13/12

Ika-limang taong swerte sa Friday the 13th

Kung may malas na petsa o araw, hindi ako sasang-ayon na ngayon ito.
Pagkagaling sa opisina ay dali-dali akong umuwi. Nag-aantay na si Gaby at mukhang mas excited pa sa Mommy niya. Pinili kong sa Tagaytay namin i-celebrate ang okasyong ito. Ang isa sa pinaka mahalagang lugar para sa aming mag-asawa. Marami kasing mahahalagang kabanata sa buhay namin ang nangyari sa lugar na ito. At ngayong ika-limang taon, ay pinili kong balikan ang masasayang ala-ala nabuo dito.

Sa the cliff house kami dumiretso. Isang Italian restaurant na Buon Giorno! na ang ibig sabihin sa ingles ay "good day!" tamang-tamang pangkontra malas sa Friday the 13th!


Tama lang ang laki ng lugar. Sa ganda kasi ng tanaw sa palubog na araw, at sa payapang lawa ng taal ay masasapawan na nito kung may kakulangan man sa loob at labas ng restaurant.

Sa pagkain naman, comfort food naming mag-asawa ang pasta at pizza. Eto nga at pati si Gaby ay nakiki comfort food narin.

Apple and caramel smootie (Php 140)
Patok kay Gaby ang smootie na 'to.

Mare Pesto (Php 265)
Hindi ako gaanong mahilig sa seafoods, pero adik ako sa pesto kaya naman pwede na nito mabalance ang panlasa ko.Isa pa, pinili ko ito dahil alam kong magugustuhan ito ng asawa ko. Hindi naman ako nagsisi. Ang pizza kahit ano ipatong masarap. Yung crust lang ay nasobrahan ng lutong..mas masarap sana kung chewy ng konti.

Spaghettini Aglio E Olio (Php 297)
Eto ang kahinaan ko...Pasta..olive oil..anchioves...amoy palang nakakagana na. Ang isa pang nagustuhan ko dito ay ang pagiging mild ng lasa nito. Pero nandun parin ang lahat ng flavor. Ito rin ang nagustuhan ni Gaby at napadami ang kain.

Lasagne Al Forno (Php302)
Nakakatakam makita ang nalulusaw na keso habang humahalo sa meat sauce. Nakakabusog ang pasta na ito sa dami ng meat sauce na nakapalaman.

Malas daw ang Friday the 13th. Pero hindi sa akin at lalong hindi sa araw na ito. Hindi kasi maaring maging malas ang limang taon ng saya na pinagsamahan namin ni Grace bilang mag-asawa. Ang limang taon na lumipas na parang limang araw at minsan ay limang minuto o segundo lang sa sarap.




Sarap: 4/5: Adik sa pasta.
Lugar: 5/5: Sa malamig na klima at magandang view..solb na solb.
Serbisyo: 3/5: Minsan nagiging parang robot, Relax..
Halaga: 4/5: Hindi na masama

2 comments:

Chyng said...

i miss gaby! kilala pa kaya nya ko?
pareho pala tayong mahilig sa esto sir. hehe at for sure si gaby - papatok din sa kanya yang mga favorites mo.

happy 5th sa inyo! more years to come. =)

Lloyd said...

Oo malamang kilala ka pa niya..matandain sya sa tao e. Iba panlasa ni gaby..kakaiba para sa edad nya. Mahilig sya sa spaghetti na maasim at pakain na maraming herbs...hehehe