2/13/12

Gaby @ 2

Ang bilis ng panahon, ang dating sangol na madalas kong titigan ay lumalaki na. Sa tuwing tatawagin ko nga siyang baby ay itinatama pa nya ko. Hindi raw siya baby, dahil sya si Ate Babi (Ate Gaby) . Hindi ko nga alam kung san nya napulot yun. Na-pepressure tuloy ako na tuparin ang wish niya.
Noong Feb 7, 2012 ay sumapit ang ika-dalawang taon ng aking anak. Sobrang excited siya. Isang linggo bago ang birthday nya ay gumigising siya na kumakanta. "Happy bitdey ate babi..Happy bitdey ate babi.. paulit-ulit hanggang magising kami ng mommy niya.
Noong araw ng birthday niya, isang malaking ngiti ang sinalubong niya ng makita ang simpleng surpresa namin ng mommy niya.
At lahat ng mga bagay na gusto niyang gawin.
Mag swimming...
At maglaro....



Noong sabado ay masaya kaming nagdiwang ng birthday party, na ginawa namin sa SM Storyland, SM City Marilao Bulacan. Ibang klaseng saya ang nakita ko sa kanya. Nakakawala nga ng pagod na makitang lubos siyang nasiyahan.


Sana lang wag ka masanay, yung susunod kasi sa debut mo na ha...?

3 comments:

Chyng said...

naexcite tuloy ako kala ko ate na si gaby. hehe

sir, kasya ba yung regalo namin ni draco - o hindi na naman? hehe

Lloyd said...

Hindi pa Chyng..malakas lang mang pressure si Gaby..Ate na tawag sa sarili nya..hehehe.. Oo, kasya..medyo malaki pa ng konti pero sa bilis lumaki ni Gaby baka after 1 month suot na nya..hehehe

marxtermind said...

Waaah! Parang kailan lang binabasa ko yung post mo about sa pangangak ng misis.

Happy Birthday to Gaby! ;)