10/23/11

Si Dora the Haloween Explorer




Naging abala ang nakaraang sabado sa amin. Nagkaroon kasi ng Haloween party sa aming village at siniguro namin na makasama. Actually, hindi naman ako ang excited, si Gaby talaga (weee!) Noong nakaraang linggo pa lang ay nag-isip na ako ng isusuot ni Gaby. Kaso may pagka maselan sa damit e, ayaw nya ng mga karaniwang custume na nabibili sa para sa haloween custume party. Ang isa pa, medyo mapapagastos pa kung bibili at isang beses lang isusuot (kuripot?). Hindi naman, makakalakihan lang e! (nagpaliwanag pa). Dito pumasok ang ilang konsepto at matapos ang ilang araw na pagpupuyat at pagtatalo, nagkasundo kami sa paboritong cartoon character si Dora the Explorer!


Simple lang pala etong si Dora, T-shirt, Short, Rubber Shoes, beads at backpack...Bueno! Ola chika!Parang nasa bahay lang!


Next issue, ano ang isusuot ko? Naka custume ba pati daddy? Una plinano ko na ternuhan si Gaby. Kaso, hindi naman bagay sakin ang maging boots the monkey, sa gwapo kung to.Baka naman mag mukha akong suman sa lihiya kung magiging ako si the map. Napressure na tuloy ako dahil biyernes na ay wala pa ko custume. Nang dumating ang sabado, naisip ko na lang na mag suot na lang ng normal na damit na karaniwan ko sinusuot. Ngayon, kung sakali na hindi ako papasukin at tanungin kung ano ang costume ko, sasabihin ko na lang na..."Ha? Itinanong mo ko kung sino ako? Shhhh..serial killer!" o kaya bigla na lang ako sisigaw ng..."Hello po! Ako Budoy!!!".


E di solb!

































2 comments:

chyng said...

hehe aylavet. "parang nasa bahay lang" nga ang costume ni dora! hehe

nextime effortan mo na. like si little mermaid. ^_^

Lloyd said...

Kalako nga hindi sya mapapansin sa costume nya. Pero ang dami nag pipicture sa kanya at tumatawag ng dora. Naka character kasi takbo ng takbo..hehehe