3/14/11

Heverybody's Appy!

May lai hakong kapampangan. Kapampangan ing tatay ko hat bulakenya naman ing nanay ku. Hang resulta? Haru, hisang masanting na hartistahing bata. Pero kait ganun ako ay ali hakong natutong mag kapampangan. Trying ard lang kung minsan tulad ngeni.
Mas sanay hat kumportable hakong magtagalog. Mas malinaw kung tagalog na lang dail na iirapan na rin kaku

Whew! Ang hirap..parang nauubusan ako ng hangin sa baga sa dami at kakulangan ng haitch (“H” )sa bawat salita. Bagamat hindi ako sanay sa dialekto nila, nasa akin parin ang kulturang kapampangan pagdating sa kainan. Bata pa lang ay namulat na ako sa mga pagkaing kapampangan. Bukod sa tocino, longanisa mapa Pampangga's Best man o Mekeni Food ay naging paborito ko rin ang kalamay, adobong kapampangan (adobong puti), buro at bringhe (local paella). Kadalasan ang tatay ko ang nagluluto nito, at madalas niyang ikwento na natutunan pa niya ito sa aking lolo. Tulad nga ng lagi niyang sinasabi, likas sa mga kapampangan ang masarap magluto. Ito ang palusot niya sa tuwing naabutan ko siya sa kusina. Naniwala naman ako kaya ina-apply ko hanggang ngayon at kinakatuwa naman ng asawa ko. Mana-mana lang talaga…

Noong nakaraang linggo ay kaarawan ng aking tatay. Dahil sa ayaw daw niya maghanda sa bahay ay naisipan kong ayain siyang kumain sa labas. At upang mas maging makabuluhan sa kanya ang araw na iyon ay ibinalik ko siya sa lugar na kinalakihan niya..ang Pampangga..

Dahil authentic kapampangan cuisine ang hanap ko ay isang lugar lang ang naisip ko. Ang Everybody’s CafĂ©. Pamilyar ang tatay ko sa lugar pero para sa akin, unang beses ko palang itong susubukan. Matatagpuan ito sa Mc Arthur Hiway, Del Pilar San Fernando City Pampangga.





Isang tipikal na restaurant/cafeteria lang ang hitsura ng lugar. Wala ang magarbong dekorasyon o kasangkapan tulad nang una kong inasahan. Pagpasok sa pinto ay bubungad agad ang isang mahabang estante kung saan nakalagay ang mga pagkain. Turo-turo style na karaniwan na makikita sa mga simpleng kainan. Ayos lang para sa akin 'to, mas nagiging madali kasi ang pag-order at nakikita ko ang aktwal na hitsura ng putahe at hindi masisira ang expectation ko. Mababait ang crew, maasikaso at i-guguide ka nila sa mga pagkain na nasa harapan. Pwede rin umorder nang small order sa ibang mga putahe, kung kaya mas maraming putahe kang matitikman. Isa pa sa nagustuhan ko ay ang pagpayag nila na tikman ko muna ang pagkain bago orderin. Nagpapakita lang na mataas ang kumpyansa nila na magugustuhan ko ang mga pagkain nila.



Una kong sinubukan ang piniritong hito na may kasamang buro at sariwang mustasa. Ang karaniwang buro na nakakain ko ay kadalasang masama ang amoy. Pero dahil sa nasasarapan ako sa lasa ay tinitiis ko ito. Iba ang buro dito, wala ang masamang amoy, pero nandun parin ang masarap na lasa. Samahan ng sariwang mustasa at ang malutong na prito sa hito..eto na ang kumbinasyon na hinahanap-hanap ko!


Morcon ang tawag nila dito; pero sa hitsura at lasa ay parang imbutido. Kakaiba ang sauce na sa tingin ko ay kumbinasyon ng tomato sauce at gatas. Sobra ang linamnam kaya madali kong pinagsawaan. Medyo maalat ang timpla sa aking panlasa , pero may kakaibang appeal kung bakit isa ito sa binabalikan.


Ngayon ko nalaman na hindi lang tocino at longanisa ang matamis na pagkaing kapampangan. Nagulat ako sa lasa ng Vegatable seafoods nila na naghahalo ang alat at tamis, nakakagulat pero nasarapan ako…




Isa pa sa sumupresa sa akin ay Ginisang kamias sa hipon. Kadalasan ay nalalaglag lang ang kamias sa bakuran namin at hindi ko naisip na meron pa pala itong silbi, bukod sa pangsahog sa sinigang o pangat. Bagay na bagay ang asim ng kamias upang maging katamtaman ang lasa ng hipon na swabe sa aking panlasa.



Tapang damulag ay mas malasa sa karaniwang tapa. Ang damulag ay kalabaw sa tagalog. Hindi matigas ang laman tulad ng una kong inasahan, nag-aagaw ang asim at tamis na mukhang masarap na almusal ka-partner ng garlic rice at mainit na tsoklate.



Kung exotic food trip ang hanap. Mild pa para sa akin ang Betute Tugak (relyenong palaka sa tagalog). Malaswa lang talaga tingnan ang hitsura ng nakabukakang palaka, pero hindi naman ang lasa. Para lang kumakain ng piritong manok.




Eto ang isang bagay na matagal kong pinag-isipan bago subukan. Matagal ko nang alam na isa ito sa pagkain na sikat sa mga kapampangan. Pero hindi ko pa natitikman . Ngayon ang unang pagkakataon na kumain ako ng Adobong kamaru (mole crickets).



Tatlong step lang lang paraan ng pagkain.

Titig…Amoy…Subo..! (sa tono ng bagong surf commercial na patak..pahid..buhos..! kumembot kung kina-kailangan)




Hindi masama ang lasa. Sadya lang may kakaiba itong texture na kapag nginuya ay pinapaalala ng isip mo na insekto ang nasa bibig mo. At dito na magiging pahirapan ang paglunok.

Sa kabuuan, naging masarap at masaya ang kainan…sinasabayan kasi ng bawat subo at pagkain sa hapag ang mga kwento at ala-ala ng tatay ko noong kabataan niya.. At ito ang lalong nagpabusog sa aming lahat.




Sarap: 4/5 – Sa lawak ng mga putahe..siguradong may angkop sa panlasa mo!
Presentasyon: 3/5 – Hindi uso ang plating…
Lugar: 3/5 – Hindi pang site seeing…
Serbisyo: 5/5 – Bago ka pa magtanong may sagot na ang mga crew…
Halaga: 4/5 - Small order para sa small budget.

4 comments:

Chyng said...

uy! buhay na pala tong blog mo!

kakakmiss kayo makasama sa foodtrip! sama next time sir! =)

Chyng said...

and btw, nakakakain nako nyang frog at kamaru! kering keri pala lasa. =)

Lloyd said...

Oo nga, fud trip nga tayo...Mahilg ka sa japanese food diba? na try mo na Umenoya?=)O kaya balik tayo sa tagaytay at pikit mata na nating tikman ang Antonios! hehehe...

Talaga..kinaya mo ang kamaru!? Si Grace hindi e....=)

marxtermind said...

Wow! Gusto ko din mag Antonios!!! Heheheh... Nagutom tuloy ako! ;)