6/3/14

Empressive!

Nag crossfit ako kasama si Empress. Bakit kaya ganun? Kahit pawisan na e cute parin kami?







4/11/14

Bookworm

Noong unang panahon na hindi pa uso ang dota. Tanging pagtambay sa silid-aklatan lang ang kanyang libangan.

3/30/14

Barber's Cut


Barbero: Anong gupit?
Daddy: Gupit binata.
Lucas: Whe!

3/22/14

Mga Unang Hakbang sa Pagbasa

Reading Whiz ang special award na nakuha ni Gaby sa kanilang moving-up day ngayong taon. Apat na taon palang kasi siya ay natutunan na niyang bumasa.

Halos mangilid ang luha ko na may halong panghihinayang. Ibig sabihin ba nito ay hindi na niya pakikinabangan ang librong pinakatago-tago ko at ilang taon kong naging karamay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay?


Halika yaya turuan mo ako edition.

2/18/13

A B K D

Bago pa man mag tatlong taon si Gaby ay nahilig na siya sa pagsulat gamit ang lapis at papel. Maaga kong nakita sa kanya ang kakayahan at tamang paraan sa paghawak ng lapis; nagsimula sa vertical, horizontal at paiko-ikot na mga linyang walang katapusan. Noong nagsimula siyang mag-aral, natuto siyang mag trace ng letra, nagulat nga ako ng minsang pagdugtong-dugtungin niya ang ilang tuldok sa isang libro. Kasabay nito ay ang parami ng parami na sulat sa pader ng bahay. May mga linya sa sala. May hugis bilog sa kwarto at may iba-ibang hagod ng kulay sa pinto. Kahapon ay ginulat ako ni Gaby; sa unang pagkakataon ay sinulat niya ang nickname niya ng mag isa at walang tuldok na susundan. Bagamat hindi pa madaling maintindihan, e mukhang magandang simula....

2/14/13

HVD

Ang sarap ng buhay sa piling nyo....

Maligayang araw ng mga puso....

Ash Wednesday

Humabol kami sa misa kagabi para sa pagdiriwang ng Ash Wednesday. Nagtaka si Gaby ng makita niya ang ilang tao na may bahid ng itim na krus sa noo. Tinanong niya ako kung ano yun? Sinabi ko na iyon ang star na binibigay ni Jesus sa mga mababait na bata, parang star din na binibigay sa kanya ng titser niya pag very good siya sa klase. Gusto daw niya noon!

Nang mapahiran na kami ng abo sa noo. Nakita ko sa asawa ko ang pagkagulat ng makita ako. Pilit na pinipigil ang tawa at sinabing  "napalaki ang krus sa noo mo!". Hindi ako naniwala inisip ko na inaasar lang niya ako. Maya-maya pa ay humarap sakin si Gaby.

"Daddy, I want to have a big cross like that!" (Sabay turo sa noo ko).

Tumingin ako sa salamin at napatunayang halos kalahati ng mukha ko ang sakop ng krus sa noo ko.

"Anak, wala sa laki yan, mukhang napagtripan lang ang daddy mo ni Father!"

Agad akong nagnilay...

2/7/13

My Favorite Things!

Raindrops on roses and whiskers on kittens
Bright copper kettles and warm woolen mittens
Brown paper packages tied up with strings
These are a few of my favorite things!

Cream colored ponies and crisp apple strudels
Doorbells and sleigh bells and schnitzel with noodles
Wild geese that fly with the moon on their wings
These are a few of my favorite things!

Girls in white dresses with blue satin sashes
Snowflakes that stay on my nose and eye lashes
Silver white winters that melt into spring
These are a few of my favorite things!

When the dog bites, when the bee stings
When I'm feeling sad,
I simply remember
my favorite things
and then I don't feel so bad!


Tuwing naririnig ko ang kantang to, bumabalik sa ala-ala ko ang masasayang panahon ng mga unang buwan ni Gaby sa mundo. Eto kasi yung kantang nagpapatulog sa kanya at nag papatahan sa tuwing iiyak siya.
Ngayon ay tatlong taon na ang nakalipas at hindi ko na masyadong napapatugtog ang kantang 'to. Baka nga hindi narin siya pamilyar sa tono at ritmo nito. Pero, ito parin ang nagiging inspirasyon ko sa pag papasaya sa anak ko. Sa tuwing natatakot siya, umiiyak o nalulungkot. Pinapaalala ko sa kanya ang mga bagay na gusto niya, mga pagkain na paborito niya, mga lugar na gusto niyang puntahan at mga taong gusto niyang kasama.

Ito ang ilan lang sa paborito niya;

Bagay - Bola
Hindi niya pagpapalit ang bola sa kahit anong mamahaling laruan. Pag dinala mo siya sa toy kingdom, siguradong hihiling siya na ibili siya ng bola. Sa mga oras na ito humigit kumulang 506 na bola na ang pag-aari niya (hindi ito exaggeration!).

Pagkain - Pancit Canton
Dahil sa hilig niya sa Pancit Canton, lahat nalang ng pasta na masarapan niya ay Pancit Canton na ang tawag niya. Kung kaya ko nga lang ipa-ban ang commercial ng Lucky Me Pancit Canton sa lahat ng TV station ay ginawa ko na. Nagiging sanhi kasi ng iyakan pagnapapanood nya ito at hilingin na ipagluto ko siya.

Lugar- Time Zone
Marinig lang niya ang ingay sa loob nito solb na siya. Hindi naman niya kailangan maglaro, masaya na siya na nadoon siya.

Tao - Tatay
Pag si tatay na ang usapan, kakalimutan na niya lahat ng mga bagay na nabaggit sa itaas. Hindi ko alam kung anong hiwaga meron ang tatay ko na kaya ipagpalit ni Gaby pati ako sa kanya.

Maligayang tatlong taong kaarawan Gaby. Mahal na mahal kita, at ikaw ang nag iisang paborito ko! (hanngat hindi pa nakakabasa si Lucas).






1/13/13

Maligayang Anim na Taon

Anim na makabuluhang taon na kasama kay hindi pala ganoon katagal. Para kasing kalian lang yung araw na tayo ay kinasal. Sa una ng taon, ay puro saya lang at walang humpay na pasyal, hanggang sa naispan natin na mas masaya ang bawat araw, kung may paslit na ang gusto mo pa ay yung kambal. Ikalawang taon ng humiling tayo sa Maykapal. Lahat ng bagay sinubukan kahit na nga yung sayaw sa obando at hilot na may ritwal. Ikatlong taon ay dininig ang dasal, para akong nakalutang sa saya at nakahiga sa ulap na makapal. Isang batang babae na sobrang cute parang ikaw, pero habang lumalaki ay parang ako na raw ang kakambal. Sa ikaapat na taon ay umapaw ang ligaya ng walang sagabal. Isang munting tahanan ang binuo na puno ng pagmamahal. Ikalimang taon ay panibagong buhay ang bumukal, at sa ikalawang pagkakataon ay dininig ang dasal. Sa ika-anim na taon ay sinalubong tayo ng pagsubok. Halos gumuho ang pangarap at napuno ng sagabal. Pero hindi tayo sumuko, dahil lalong tumatag na parang bakal ang pagmamahal.


Maligayang anim na taon ! Ikaw lang ang nag-iisa kong mahal!

1/3/13

2013

2012 ang pinaka makabuluhang taon sa buhay ko. Ito ang taon ng pagsubok, pag-ibig at tagumpay. Sa taong ito ko naranasan ang halaga ng buhay at ang pait na kayang idulot nito. Dito ko naranasang halos isuko ang laban at dito rin dumanak ang pinaka maraming luhang naipatak ko sa buong buhay ko. Pero ito ang taon na natutunan ko ang halaga ng bawat biyayang natatangap ko. Dito ko nakilala ang mga totoong kaibigan na handang dumamay at ang pamilyang nagbigay ng pag-ibig na walang kapalit. Dito ko nakilala ang sarili ko na nasasaktan, umiiyak at natatakot. Dito ko natutunang lumaban para sa taong mahal ko. Dito ko natutunang sumugal at harapin ang takot. At ang pinaka mahalaga, sa taong ito ako nagtagumpay.
 
Ang biyaya ng Maykapal ay hindi laging nakabalot sa makinang na kahon.
 
Salamat Panginoon sa malusog na pamilya. Wala na akong hiling sa mga darating na taon kung hindi ang patuloy na kalusugan nila....
 
 
Mahal ko kayo at ang pamilya ko.
 
Amen.
 

12/28/12

Catering Serbis

Para akong may pacater noong pasko. Kinarir ko kasi na ako ang magluto ng lahat ng kakainin naming sa noche buena. Habang relax ang lahat ay ako ang punong abala. Dahil sa spirit ng christmas ay tinanggap ko ito ng maluwag sa puso. WAG NALANG MAULIT SA BAGONG TAON!!!


 
Pinaputok ni Magellan: Lapu-lapu na ginulat sa labintador bago pausukan 
 
Dilang Matabil: Pinalambot na dila sa sarsa ng kabute.


 
Inabusong Hipon: Buttered shrimp in lemon & garlic.

 
Tong Tong Chili: Pina-anghang na alimango sa oster sauce.



 
Super Caldereta: Ang pagkain ng mga super hero.

12/21/12

Ang Mundo ay Hindi Magwawakas sa Araw Mo

December 21, 2012 ay hindi katapusan ng mundo. Ito ang araw ng taong nagbigay sa akin ng walang hanggang saya at pagmamahal. Siya ang taong, nagpapalakas sakin at nag-alay ng inspirayon upang lumaban at patuloy na magmahal ng walang hanggan. Sa dinaanan naming pagsubok, ang kahinaan niya ang naging lakas ko. At ang lakas niya ang naging inspirasyon ko upang manalig at bumangon. Sa bawat patak ng luha na dumaloy, ramdam ko ang sakit sa tibok ng kanyang dibdib ngunit sa kaibuturan ay ang pintig ng pag ibig na walang kapalit.

Hindi ako buo ng wala siya..

Siya ang tinta ng ballpen ko..
Siya ang keyboard ng laptop ko..
Siya ang wifi ng tablet ko..
Siya ang suka sa adobo ko..
Siya ang gas ng kotse ko..
Siya ang talim sa kutsilyo ko..
Siya ang tubig sa kape ko..
Siya ang remote ng TV ko..
Siya ang nanay ng mga anak ko...
Siya ang hangin ng buhay ko..

Maligayang kaarawan!!!

Mahal na mahal kita....

12/18/12

Rockin Around The Christmas Three

Rocking around the Christmas Tree
at the Christmas party hop
Mistletoe hung where you can see
Ev'ry couple tries to stop

Rocking around the Christmas Tree
Let the Christmas Spirit ring
Later we'll have some pumpkin pie
and we'll do some caroling

You will get a sentimental feeling When you hear voices singing
"Let's be jolly; Deck the halls with boughs of holly" Rocking around the Christmas Tree
Have a happy holiday
Everyone's dancing merrily
In a new old fashioned way

Rocking around the Christmas Tree
Let the Christmas Spirit ring
Later we'll have some pumpkin pie
and we'll do some caroling

You will get a sentimental feeling When you hear voices singing
"Let's be jolly; Deck the halls with boughs of holly"
Rocking around the Christmas Tree
Have a happy holiday
Everyone's dancing merrily
In a new old fashioned way


Eto ang kinanta ni Gaby at mga kaklase nya sa Christmas presentation nila kanina. Nagulat ako at napa-indak sa tuwa. Noon kasi, dose-anyos na ko "Sa may bahay na wawalhati" at "We wish you ameri krismas" lang ang alam kong kanta.

12/17/12

The Next Christmas Musical

Isang konsepto ng Christmas Presentation ang binuo ng aming grupo para sa nalalapit na Christmas party. Syempre pa, punong-puno ako ng idea, hanggang sa pinaka maliit na detalya. Mula blocking, selection of songs, costume at punchline, ako ang nasunod lahat! Ang lupit pa ng storyline, pang maala-ala mo kaya musical ang dating. Yung bida ay kailangan ng todo-todong performance. Iindak, hahataw, bibirit. Pang Oscar ang kalibre. Nagpatuloy ang pagdetalye ng storyline...Maya-maya unti-unti kong nararamdaman na ako na ang tinutukoy na bida. Tumayo ako at pagalit na nagsalita. "Scrap ang concept!!!!" Ang pangit-pangiiiiit! Sabay walk-out with conviction!

12/16/12

Drunken Master


Si Jackie Chan ang nag-iisang action star na idol ko. Pangarap kong  sumunod sa yapak niya na matuto ng kung-fu at magka black belt sa karate. Pero lumaki akong pitik-bulag lang ang alam na physical sport. Kaya naman hindi ko inasahang magkakaroon ako ng pagkakataon na matutupad ang pangarap. Kahit hindi 'to karate, humanda ka Drunken Master, dahil mas malupit pa to kay Wong Fei Hung!!!!! hiyaaaah!


 

12/13/12

China Arabia

Nasa China pala ako, kala ko nasa Saudi Arabia. Sa tuwing oorder kasi ako ng pagkain ay nagugulat ako sa kanilang generous serving of oil. Ang akala ko tuloy ay nalipat na sa China ang pinaka malaking imbakan ng langis sa mundo.



12/12/12

Panic Bytes-ying

Nandito ako ngayon sa Shenzhen malapit sa Huaqiangbei Area. Parang divisoria sa dami ng tindang electonic products. Tumpukan ang bentahan at tawarang walang humpay. Sa dami ng nabili ko, ay mukhang kailangan ko nang magtiis na hindi kumain hanggang biyernes. Pero okay lang, nakamura naman ako sa pagbili ko ng mga bagay na hindi ko naman talaga kailangan.



Yan ang sulit!!!

Ang super cutie and so kagigil to the max thumbdrive 8GB for only 20RMB, bumili ako ng 20pcs!. Parang adik lang na tumitira ng Gigabytes!

12/11/12

Ayaw ng away?

Ang tagal kong nawala sa bloggin, hindi ko na tuloy maalala kung kailan ako huling nag log-in. Ang dami kasing ng mga pagyayaring kailangan kong tapusin at mga bagay na dapat unahin. Pero hindi mo parin maalis sa akin na ang simpleng bagay na ito ay hanap-hanapin. Kaya mula sa araw na ito, hindi ko naman pipilitin, pero aking susubukin na pag may oras lang din akin tong aaraw-arawin. Pero hindi ko na pipilitin na ang entry ay pahabain. Mas masarap kasing basahin ang kwento pag hindi masyadong malalim.

Ito ang naisip kong paraan kapag may pinagtatalunan kami ng aking asawa at tatlong taong gulang na anak. Bawal mangatwiran kung walang rhyme...

4/10/12

Gaby Boy




Mabilis ang paglaki ni Gaby. Hindi na siya yung dating baby na masaya na makipaglaro sa amin ng mommy niya. Gusto na niya na nag eexplore sa sarili niya. Namimili na siya ng damit na isusuot, pagkain na kakainin, lugar na papasyalan at taong gusto niyang kasama.


Sa tuwing maglalakad kami sa mall o kung saan man may maraming tao. Para siyang pulitiko na kaway ng kaway at "hi' ng "hi" sa mga taong nakakasalubong niya.


Marunong na siyang kumain mag-isa.


Marunong na siyang makipag usap. Yun lang, kailangan mo intindihin ang sinasabi niya dahil pag hindi, iinit ang ulo niya at magagalit sayo.


Pag darating ako ng bahay, nagmamadali siyang dumapa sa ilalim ng hagdan para kunin ang tsinelas ko.


Marunong na siyang magbilang ng 1 to 20, pero ini-skip niya ang 3 at 4. 1,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15,16,17,18,19,20!


Alam na niya ang lahat ng basic colors. Kaya na niyang i-dentify ang lahat ng letters, maliban sa N at M an madalas niyang pinagpapalit.


Madalas na siyang mag role play. Minsan baby siya, minsan pusa, minsan aso, minsan elepante, minsan tigre at minsan si Dora. Sa tuwing kakausapin mo siya, dapat alam mo kung ano at sino siya sa mga oras na yun, dahil pag hindi, hindi siya sasagot. Madali naman malaman kung ano o sino siya, dahil marunong siyang tumahol at mag ngiyaw!


Ngayong malapit na siyang magkaroon ng kapatid, Isang bagay lang ang kinakatakot ko. Sana ay wag siyang makaramdan ng selos sa kapatid niya. Sana ay hindi siya makaramdam ng pagbabago sa atensyon na ibinibigay namin sa kanya.


Ramdam ko ang excitement niya sa pagdating ng kapatid niya.


Gabi-gabi ay pinagdadasal niya ang kalusugan nito. Sa tuwing tatanungin mo siya kung ano ang gusto niyang kapatid. Sasabihin niya na "Baby boy".


Ayan, dininig ni Jesus ang dasal niya.


Magkakaroon siya ng kapatid na BABY BOY!!!!

3/28/12

I Lost My Phone in Manhattan




I Lost My Phone in Manhattan ay isang 2012 American Romantic Action Drama Horror Indie Film ng NYPD Production. Pinagbibidahan ito ng isang sumisikat na gwapong actor na si Lloyd. Nagsimula ang pagkuha ng pelikula Noong Marso 17, hanggang Marso 24, 2012 at si Giovanni Restituto Magtibay (hindi tunay na pangalan) ang direktor ng pelikula.

PLOT

Hindi naging madali kay Fhiel na tanggapin ang balitang kailangan niyang pumunta ng New York City ng halos isang linggo. Natatakot kasi siyang mahomesick at ayaw din niyang iwan ang kanyang mag-ina ng ganoong katagal. Ngunit wala siyang magawa, parte ito ng kanyang trabaho na kailangan niyang sundin, ano man ang maging kahinatna nito.


Sabado ng umaga ng magsimula siyang mag empake ng tatlong damit. Mabigat ang loob habang isinasalansan sa isang kulay berdeng maleta ang bawat piraso. Bawat isa ay nagdudulot ng ala-ala at kalungkutan sa nalalapit na pag-alis. Nang matapos ang mahabang empake, nagpasya si Fhiel na dumeretso na ng airport. Inihatid siya ng kanyang, asawa, anak, kapatid, pinsan, kaibigan, kakilala at kapitbahay. Isang buong jeep na puno ng kaldero na may lamang kanin, adobo, menudo at piritong manok. Ilan lang kasi ito sa mga pagkaing siguradong mamimiss niya sa matagal na pagkawala.

Nang makarating ng airport, agad bumaba si Fhiel ng Jeep. Mabigat ang kanyang paa at dibdib. Halos kaladkarin niya ang bawat hakbang papalayo sa mga mahal sa buhay. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sigaw kasabay ng iyak mula sa kanyang anak. "Waaaaaaaaaah...dadiiiiiiiiiiiiiii". Agad lumingon si Fhiel, binitawan ang dalang bag at mabilis na tumakbo palapit sa anak. Niyakap ito at nag-iyakan sila na parang walang nakakakita. Dito narin tuluyang bumagsak ang damdamin ng kanyang asawa. Tanging ingit at patak ng luwa lamang ang umalingaw-ngaw sa buong kapaligiran.


Ang sumunod na eksena ay naglalakad na si Fhiel sa kahabaan ng Manhattan. Puno ng tao ang lugar at hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang mga ito. Habang pumapatak ang oras ay padami ng padami ang mga tao. Hindi alam ni Fhiel kung saan siya papunta, hinahayaan niyang dalhin siya ng kanyang paa saan man ito makarating.

Isang pamilyar na tindahan ang pumukaw ng kanyang attensyon, isang malaking tindahan ng mga laruan na akala mo ay isang theme amusement park ang loob. Ang Toy's R Us at ang Disney. Muling nangilid ang luha ni Fhiel, dahil muli na naman niyang naalala ang anak na noon ay apat na araw na niyang hindi nakikita. Dahil dito ay naiisipan niyang bilhan ng pasalubong ang anak, isang mic ni Dora at ang paborito niyang si Elmo. Paglabas ay nasupresa siya nang makitang naghihintay sa labas si Elmo at sinalubong siya nito ng yakap. Parang nakakita ng artista si Fhiel na agad nag papicture kay Elmo. Mabango si Elmo, hindi tulad ng una niyang inaasahan na amoy halimaw.
















Ilang metro ang layo mula doon ay natanaw ni Fhiel ang Time Square. Bakas sa kanya ang kasabikan habang nakatingala sa mga naglalakihang building at naglalakihang TV. Inisip niya kung naka cable ba ang mga ito, at kung sino ang nagbabayad. Matagal na kasi niyang planong magpakaybol pero mahal. Namangha rin siya sa haba ng pila ng mga nagnanais manonood sa teatro, Ghost the musical at Spiderman yata ang palabas. Sa kanilang lugar kasi ay tuwing may pista lang may ganito.









Maya-maya ay ginutom si Fhiel. Sa Ruby Tuesday niya na-isipang kumain. Malaki ang lugar at puno ito ng tao. Mahal ang pagkain pero dahil libre ay okay lang. Sanay na sanay si Fhiel na kumain sa mamahaling restaurant pag libre. Sa drinks ay umorder siya ng Ultimate Patron Margarita, gawa ito sa patron Silver Tequilla na hinaluan ng O3 Orange liqueur, Grand Marnier at Fresh lime at lemon juice. Hindi niya naiintindihan ang mga hinalong ito. Pero swabe ang sarap, so refreshing ika nga... Kaya sana niyang maka-lima pero ayaw niyang malasing. Sa main dish ay umorder si Fhiel ng Chef's Sirloin Steak. Maraming choices ng side dish pero onion ring ang fries lang ang kilala niya. Laking Jollibee at Burger King kasi si Fhiel. "How do you want your steak sir?" Tanong ng waiter. "Medium well please" na pa slang ang sagot ni Fhiel. Feeling tuloy niya ay laking NYC na siya. Halos mabundat si Fhiel sa steak na kinain. Kahit kasi malaki ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi ubusin. Perstym kasi niyang nakakain ng ganoong ka juicy na steak. Yung huli kasing kinain niya ay nasunog ata, lasang uling ang labas at styrofoam naman ang loob.










Patuloy na naglakad si Fhiel. At dito ay natanaw niya ang Empire State Building. Naalala niya ang paborito niyang pelikula na Kingkong na pinag bidahan ng yumaong si Kingkong.






Ilang kilometro ay napadaan naman siya sa Madison Squre Garden na maaga pa ay marami ng nag aantay sa laban nh Knicks. Pinagkakaguluhan ang jersey ni Jeremy Lin. Karaniwan sa t-shirt o Jersey na may tatak ng pangalan niya ay nagkakahalaga ng $85 hanggang $45 depende sa kalidad. Samantala sa iba niyang teammates ay buy-one take one pa. Naiasip ni Fhiel na kung Jersey pa ni Jawo ang tinitinda, malamang ay napabili siya.





Habang patuloy sa paglakad ay isang pamilyar na lugar ang nakita niya. Ang Rockefeller Center, kung saan napansin niya ang NBC studio. Madaming reporter sa paligid, pero si Gus Abelgas lang ang kilala niya. Gusto pa nga sana siyang interbyuhin ng isang puppet na parang si Arn-arn, pero ayaw niya. Ayaw niyang mapahiya sa mga kaibigan kung ipapalabas ito sa Sesame Street news channel.














Nakakalimutan na sana ni Fhiel ang lungkot. Hanggang isang nakakagulat na pangyayari ang nagpahinto ng oras at halos nagpigil ng tibok ng puso niya. Kinapa niya ang bulsa, ibinaligtad ang dalang bag, hinubad ang sapatos..subalit wala..wala! Ang pinaka iingatan niyang celpon na Samsung Champ na 2,999Php lang ang bili niya sa Waltermart bago magpasko. Natulala si Fhiel. Bakas ang panghihinayang. Minsan lang kasi siya magkaroon ng celpon na touch screen. Ayaw na niyang bumalik sa Nokia 3210. Nangilid ang luha niya, pero kahit anong gawin niya ay hindi niya matandaan kung saan niya ito naiwan o nalaglag. Masakit na ang paa niya at hindi na niya kayang balikan ang lahat ng lugar na pinuntahan. Gusto sana niya itong ireport sa NYPD lost and found division at isa ilalim sa forensic investigation ng CSI NY. Pero huli na ang lahat..wala an ang celpon niya...

Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na si Fhiel na bumalik ng tinutuluyang hotel. Pero bago siya bumalik ay nagutom siya at naisipang kumain sa isang restaurant sa Plainview NY. Ang South Side. Tanging Lobster lang ang nasa isip ni Fhiel maliban sa nawawalang celpon. Perstym makakain ni Fhiel ng dalawang lobster. Halos hindi niya ito maubos at nasabi niyang " Mas masarap sana kung may kanin at nasa tabi ko ang celpon ko". Hindi parin maalis kay Fhiel ang ala-ala ng nawawalang celpon.



Pero umasa si Fhiel, na hindi man sila magkita ng nawawalng celpon. Darating ang panahon na magkakaroon ulit siya ng bago. Pero isa lang ang aral na natutunan ni Fhiel. " Mabuti na ang celpon na mura sa taong tatanga-tanga..."





THE END