Showing posts with label Pancit. Show all posts
Showing posts with label Pancit. Show all posts

2/7/13

My Favorite Things!

Raindrops on roses and whiskers on kittens
Bright copper kettles and warm woolen mittens
Brown paper packages tied up with strings
These are a few of my favorite things!

Cream colored ponies and crisp apple strudels
Doorbells and sleigh bells and schnitzel with noodles
Wild geese that fly with the moon on their wings
These are a few of my favorite things!

Girls in white dresses with blue satin sashes
Snowflakes that stay on my nose and eye lashes
Silver white winters that melt into spring
These are a few of my favorite things!

When the dog bites, when the bee stings
When I'm feeling sad,
I simply remember
my favorite things
and then I don't feel so bad!


Tuwing naririnig ko ang kantang to, bumabalik sa ala-ala ko ang masasayang panahon ng mga unang buwan ni Gaby sa mundo. Eto kasi yung kantang nagpapatulog sa kanya at nag papatahan sa tuwing iiyak siya.
Ngayon ay tatlong taon na ang nakalipas at hindi ko na masyadong napapatugtog ang kantang 'to. Baka nga hindi narin siya pamilyar sa tono at ritmo nito. Pero, ito parin ang nagiging inspirasyon ko sa pag papasaya sa anak ko. Sa tuwing natatakot siya, umiiyak o nalulungkot. Pinapaalala ko sa kanya ang mga bagay na gusto niya, mga pagkain na paborito niya, mga lugar na gusto niyang puntahan at mga taong gusto niyang kasama.

Ito ang ilan lang sa paborito niya;

Bagay - Bola
Hindi niya pagpapalit ang bola sa kahit anong mamahaling laruan. Pag dinala mo siya sa toy kingdom, siguradong hihiling siya na ibili siya ng bola. Sa mga oras na ito humigit kumulang 506 na bola na ang pag-aari niya (hindi ito exaggeration!).

Pagkain - Pancit Canton
Dahil sa hilig niya sa Pancit Canton, lahat nalang ng pasta na masarapan niya ay Pancit Canton na ang tawag niya. Kung kaya ko nga lang ipa-ban ang commercial ng Lucky Me Pancit Canton sa lahat ng TV station ay ginawa ko na. Nagiging sanhi kasi ng iyakan pagnapapanood nya ito at hilingin na ipagluto ko siya.

Lugar- Time Zone
Marinig lang niya ang ingay sa loob nito solb na siya. Hindi naman niya kailangan maglaro, masaya na siya na nadoon siya.

Tao - Tatay
Pag si tatay na ang usapan, kakalimutan na niya lahat ng mga bagay na nabaggit sa itaas. Hindi ko alam kung anong hiwaga meron ang tatay ko na kaya ipagpalit ni Gaby pati ako sa kanya.

Maligayang tatlong taong kaarawan Gaby. Mahal na mahal kita, at ikaw ang nag iisang paborito ko! (hanngat hindi pa nakakabasa si Lucas).






6/1/11

Huling Hirit!




Dumaan ang summer na halos hindi ko napansin. Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sa akin, wala akong gana maglalabas at masrelax ako sa bahay lang. Dati ay mahilig naman ako mag swimming, pero bakit ngayon ay parang nawala ang hilig ko dito. Kung kelan pa naman masmadali na sa akin ang maligo sa swimming pool ay saka pa ako tinatamaan ng katamaran. Mag-aanim na buwan na nga kaming nakalipat sa bago naming bahay, pero kahit isang beses ay hindi pa ako naligo sa swimming pool sa clubhouse nito. Sa tuwing iiyakan kami ni Gaby para mag swimming, si Grace ang inuutusan kong para samahang siyang lumusong, at ako ay masaya na na pinapanood sila. Eto na ba ang epekto ng middle age crisis? Ang pagkawala ng hilig..pati sa paliligo? Pero wala pa naman ako sa middle age ah!?


Kung ano naman ang kinatamad kong maligo ngayon, ay siya naman hilig dito ng aking anak. Grabe ang hilig nito sa tubig. Sa tuwing papaliguan sa batya ay ayaw na nitong tumayo. Pag binitbit mo upang pwersahing patigilin ay kakapit sa batya at hindi bibitiw, kailangan mo siyang buhatin kasama ang batya. Kapag naman dinala namin sa clubhouse para magswimming, siguradong may iyakang magaganap pag pina-ahon na ng mommy nya.


Ang mga pangyayaring ito ang nagbigay sa akin ng idea para pasayahin siya. Kahit patapos na ang tag-araw ay naisipan kong dalhin ang aking anak sa beach. Sa La Luz beach resort sa Laiya San Juan Batangas ang napili ko. Halos puno na ang lahat ng araw, kaya wala na kong ibang option kundi ang huling linggo ng Mayo.


Isang linggo bago ang itinakdang araw. Eto at nambuwisit pa si Chedeng! Katakot-takot na masasakit na salita ang inabot sa akin ng bagyong ito. Pero hind ako nagpasindak, tumakbo agad sa palengke at bumili ng isang tray ng itlog. Ito ang i-aalay ko sa altar upang lumihis ang bagyo. Noon ko napatunayan na totoo ang hiwaga bumabalot sa itlog!


Mula sa Nuvali ay tumakbo ako ng halos 130KM bago marating ang La luz. Kasama na dito ang ilang pagkaligaw. Mabuti na lamang at hindi naging kumplikado ang direksyon na nasa website at ito lamang ang aking naging gabay.


Maaliwalas ang panahon, maulap pero hindi umuulan. para sa akin, eto ang perpektong panahon para bumabad sa dagat. Pagpasok sa resort ay agad tumambad sa amin ang maalon na dagat. Nakita ko ang gulat sa mata ni Gaby ng makita ito. Sa tuwa nga ay pumalakpak siya at itinaas ang kamay. Ganito ang madalas niyang gawin sa tuwing na eexcite..








At eto ang kanyang paboritong jumpshot..konting praktis na lang anak at aangat na rin ang paa mo sa lupa...







Isang Junior Premier ang tinuluyan namin. Tama lang ang laki ng kwarto para sa aming tatlo. Ang mahalaga ay may maayos na kama, air-con, sariling banyo at ang hot and cold water. Wala lang TV and bawat room nila dito. Ayos lang, hindi naman ako nagbayad ng 2,800 per day para manood ng TV. Mas ginugol namin ang buong araw sa labas at sa dagat.

Ang resort na ito ay mukhang dinesenyo para sa isang kumportableng bakasyon kasama ang pamilya. Kapansin-pansin ang mga facilities na karamihan ay angkop sa mga nagbabakasyon na may kasamang bata. Sa dining area ay may sapat na bilang ng high chair para sa mga bata, hindi mo na rin kailangan bumili ng tubig dahil mayroong mga mineral water dispenser na may hot and cold water pa. Ang mga life jacket ay maari mo ring hiramin ng walang karagdagang bayad. Obligado ka lang na magbayad ng 1,100 pesos kada araw para sa apat na meal (buffet). Lunch, Meryenda, Dinner at Breakfast. Hindi na masama, dahil nangangahulugan lang ito na hindi mo na puproblemahin ang pagkain mo sa buong araw at gabi na pananatili dito.



Sa Lunch ay naabutan namin ang mushroom soup, menudo, inihaw na manok, chopseuy at ginataang tilapya. Ang dessert naman ay manggo salad.

Matapos ang mahabang byahe..pagod at gutom..hindi na siguro masamang maubos ko 'to...


Sa Meryenda ay Chicken Sandwich, puto, pritong saging at pansit habhab


.
Matapos ang mahabang byahe...pagod at gutom kanina..ay hindi parin siguro masama na maubos ko 'to...


Sa Hapunan ay Corn soup, Chicken Teriyaki, Tuna in mushroom soup, roasted pork at pasta. May dessert na pakwan at bico.




Matapos ang mahabang byahe..pagod at gutom na dama ko parin naman hanggang gabi ay hindi naman siguro masamang maubos ko ulit 'to....


Sa Breakfast ay Scramble egg, chessedog, pritong galunggong, tinapay, cereal at saging.



Matapos ang mahabang byahe..pagod at gutom kahapon..ay mauubos ko parin to...


Walang espesyal sa bawat putahe, pero sa halagang halos 275 per meal na buffet, At no worries...e panalo na 'to. Uupo ka na lang kasi at i-eenjoy ang malabundok na pagkain sa tabing dagat.


At sa huli..isang masaya ay hindi malilimutang bakasyon ang nagpasaya sa aming anak..


Iyon ang mas mahalaga sa akin..

.


Lugar: 4/5 - Malinis na dagat at malinis na paligid.

Halaga: 5/5 - Hindi kailangan magbayad ng mahal sa masayang bakasyon.

Serbisyo: 3/5 - Masigasig ang mga staff..minsan lang ay kailangan mo pang magtanong ng importanteng detalye.

Pagkain: 3/5 - Pwede na..busog naman.

3/20/11

PA-tok CANTON


Nang mag-grocery kami noong nakaraang linggo. Nagulat ako nang makakita ng limang Lucky Me Pancit Canton sa cart (assorted flavor pa!). Napatingin ako sa aking asawa at tumingin din siya sa akin at ngumiti..

“Maalat yan..puro MSG.”
“Eh, minsan lang naman…”
“Minsan? One Lucky me per day?”

Hindi ako mahilg sa instant pancit canton dahil sa tatlong dahilan;

Una, mataas ang MSG content nito. Noong huling check-up nga sa akin ay lumabas na hindi na talaga ito nakakabuti sa katawan ko.

Pangalawa, walang challenge lutuin, para lang akong nagpapakulo ng tubig na mainit bago maligo. Mas nalilibang kasi akong magluto pag meroon pang hinihiwa.

Pangatlo, nasawa na ako dito. Noon kasing nag-aaral ako sa kolehiyo, at nakatira sa isang maliit na apartment sa Maynila ay ito ang almusal, tanghalian, meryenda, hapunan at midnight snack ko. Mura kasi at sapat para may matira pa sa baon. Na-addict pa nga dito ang isa kong kasama sa bahay. Kaya sa tuwing may christmas party kami at may exchange gift ay isang kahong pancit canton ang nasa wishlist nya. Natutupad naman iyon at nasunndan pa pati pag birthday nya. Noong nag-asawa at nagka-anak siya, ay pinangalanan niyang “Lucky” ang anak at ang nickname ay “Anton”…Ayos!

Pero kung Pancit Guisado ang pag-uuspan…Una sa listahan ko ang Pancit Canton. Mas malinamnam kasi at masarap kainin..

Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi nasasarapan sa Canton!?

Heto ang isa sa recipe ng Pancit Canton na laging pumapatok.

Ito ang aking PA-tok CANTON.

MGA SANGKAP

½ kilo Pancit Canton
¼ kilo Manok (breast) – Pakuluan sa 1 litrong tubig ng 15 minuto at lagyang ng kaunting asin at paminta. Himayin ng pahaba.
*Itabi ang pinagpakuluan.
10 grams na hipon (tinaggal ang ulo, at binalatan)
*Dikdikin ang ulo, pigain, kunin ang katas at itabi
10 grams na atay ng baboy (hiniwang pahaba)
1 pirasong chorizo de bilbao na hiniwa ng pabilog at pinirito.
5 pirasong kikiam na hiniwang pahaba at pinirito
5 pirasong squid ball na hiniwa sa gitna at pinirito
½ cup Dried Shitake Mushroom binabad sa mainit na tubig at hiniwa ng manipis.
Repolyo (chopped)
Carrots (Hiniwa ng pahaba)
Brocolli
Sitsaro (snow peas)
Sibuyas na mura (spring onion)
150 ml or ¾ tasa ng Oster Sauce
Sibuyas
Bawang

PARAAN NG PAGLUTO

Mag-gisa ng bawang at sibuyas sa malaking kawali. Ihulog ang atay at maglagay ng kaunting asin at paminta. Hayaan maluto ng kaunti ang atay bago ilagay ang ibang sangkap. Ibuhos ang katas ng hipon at hayaang kumulo ng ilang minuto. Ibuhos ang manok , shitake mushroom at haluin. Mag hintay ng ilang minuto upang kumapit ang lasa, bago ihulog ang repolyo, carrots, sitsaro at brocolli. Ibuhos ang oyster sauce, haluin at takpan ng limang hanggang sampung minuto minuto. Hanguin at itabi pero iwan sa kawali ang sabaw. Ibuhos pa ang pinagpakuluan ng manok at hayaang kumulong muli. Ilagay ang pancit canton at patuloy na haluin hanggang sa maluto. Ibuhos ang nilutong sangkap kasama na ang choriso de bilbao, kikiam, squid ball at haluin muli. Tikman at lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa Ibudbod sa ibabaw ang hiniwang sibuyas na mura. Ihain kasama ang mainit na pandesal.


Sarap: 5/5 – Eto ang Canton na hindi malilimutan.
Halaga: 2/5 – Pang piyesta opisyal
Preparasyon: 2/5 – Hihingalin pagkatapos.