12/27/11
10/23/11
Si Dora the Haloween Explorer
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh0aXQ24wJHp6vVJsgHcgBt_jXpUG7qS7Cj0jTNQ185dy1lEvgSrC-LSKapM59HPIbQNS6-n3nS31PHixVsXIrDw5lszubYZMh7yqqJvqUpcgRIqEmThPcXzWXu7XwrQ58amEGT1Cv_Q-b1/s400/dorablg1.jpg)
10/15/11
Bicol Express to the MAX!
At syempre ang pinaka paborito ko at nagpapainit ng araw ko..ang Bicol Express to the max!
SANGKAP:
1 kilo Liempo (Ihiwalay ang taba at balat at hiwain na pa cubes)
1 Malaking Sibuyas na Puti (chopped)
2 Niyog (2 tasa ng kakang gata at 4 na tasa ng ikalawang piga)
1/4 na kilo ng siling berde o siling pang sigang (chopped)
1 kutsarang siling labuyo (chopped)
1 kutsarang luya (crushed)
1 kutsarang bagoong alamang
1/2 kutsarang chicken powder
asin at paminta
PARAAN NG PAGLUTO:
Ilagay ang taba at balat ng baboy sa kawali. Hayaang maluto hanggang sa lumabas ang sariling mantika. Ibuhos ang luya at igisa. Ilagay ang sibuyas at siling berde. Haluin muli bago ibuhos ang liempo. Lagyan ng kaunting asin at paminta. Haluin at hayaan ng ilang minuto. Ibuhos ang 4 na tasa ng ikalawang gata. Ilagay ang chicken powder at ang bagoong alamang. Haluin muli at takpan. Pakuluin sa mahinang apoy ng 2 at kalahating oras. Ibuhos ang 2 tasang kakang gata at hayaang kumulo pa ng 30 minuto. Mapapansin na nagmantika na ang gata at halos lusaw na ang mga sili. Patayin ang apoy. Ihain kasabay ng mainit na kanin.
Sarap: 5/5 - Mapapasipol ka sa sarap.
Halaga: 3/5 - Kung mahal ang liempo, pwede ang pigue o tiyan.
Preparasyon: 4/5 - Mas masarap kung ikaw mismo ang pipiga ng kakang gata.
9/11/11
Take Five! Army Navy Burger & Burrito
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg5GUk-74MzY6NVqRS88FMTcIfZI7Zcr3nKRihRzXi8QGAqq3D0cXJZVtCLAuzGwLfZYVIxzE4EFZCzeJ7Z1tZWqrgLuR6VoEaqshccoKA05pVfor8Sab9ITA0CbKynpaeRKui2ZaX0gFTC/s400/IMG_1168a.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjEvlDvubVVxMyuEh48R3eoanw5N0H68LGc_GrOvyXGM5cK79dtzIkkiDnXSsWfVsjEEm99cbHjFk_mv0HPYC3X18YEhFmU1LCtm37dluo5aC081N6tAc9RSf2iz01Ze-CI5_BxETdrLy0e/s400/IMG_1166a.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgXqCTyPdoC1-bQkT304FQRCerIihdkNaeFz-AtGSf1QsZDw_m3Zq5YMb-ezw1fk7LV_a0MIw0ag7SKrmsoOySmbaJjiAYlyk_kR7q5Klt8UhcG0D7zVoB6k_EJKb-FH66KsGA9HVSqzIWm/s400/IMG_1167a.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjp9fXa9jRUcaTmhNqld-UoOiysQNGZnQRfRjF49N4GJ20IlGaS1cq8B6fulvue5ZozFFaF6PPI8Wwhm7Tz1qDiUbxnlxMKvjQ-TvVQHHTi2ri41iLNbsX49zKhxFXSyWOjCNMN_2w7JSsM/s400/IMG_1163a.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhHh43Tu5a_RhpzodyTLH0_9cwKnFM-K7sTCjv6Uu37NXF4QayciqVVtzs545lpSRPRQ51wLhDGMM5_w00d7lzQhYxNtyS5_ZHHviLKjdjXGyyxf-ahuYYcPcuAZko-p2o1KMV-WRK4vqxf/s400/IMG_1152a.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhpofMyPIacGxhzmArlYke9lxrAfE5nHeHgCSl0MRtADi8cOfZ7QPaKLZMoiISUaoE5r7PQMNVPMK7d-5xNJRiXggDDUQnGnz5scVFwn0iEA1uBBsT2u6Z-EKswzoBRWWBiEn7tPonEL-FH/s400/IMG_1136a.jpg)
Sarap: 4/5 – Pasulong kad!
Presentasyon: 3/5 – Liko sa kaliwa kad!
Lugar: 5/5 – Pulutong hinto!
Serbisyo: 3/5 – Tikas Pahinga!
Halaga: 4/5 - Pugay kamay!
8/23/11
Pocherong Bulalo
8/13/11
Nakakabaliw
Salamat sa Diyos at magaling at masigla na ang aking anak...
6/18/11
Si Jose, Ako at si Crisostomo
Si Lloyd Sese y Rivera (Hunyo 19, 19SECRET - Humihinga pa hanggang sa kasalukuyan) ay ang pang apat at bunso sa apat na anak ng mag-asawang Mario Sese y Lagman at ng asawa nitong si Genoveva Rivera y Estrella. Ipinanganak si Lloyd Sese sa Guiguinto, Bulacan. Sina Levi, Rodel at Sheryll ang kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang ina ni Lloyd ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay limang taon na (slow learner). Noong siya naman ay tumuntong sa anim na taon, pinadala siya sa Balagtas,Bulacan upang mag-aral sa ilalim ng patnubay ni Mrs. Martin (hindi ko na tanda ang buo niyang pangalan). Ilang buwan ang nakalipas, sinabihan niya ang magulang ni Lloyd na sakit ito sa ulo dahil sa sobrang daldal.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Ang La Consolacion sa Balagtas Bulacan ang unang paaralan na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Hunyo 19XX. Ayon sa isang salin ng kwento ng mga tsismosa sa Bulacan atbp., sa kanyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya lahat ang mga pangunahing medalya sa Loyalty award at best in writing noong kinder.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.
Nang sumunod na mga taon, siya ay kumuha ng Bachelor of Science in Electronics & Communication Engineering sa Adamson University. Sa labas ng paaralan kasabay niyang kinuha ang pag mamadyik at pagtambay sa bilyaran. Pagkaraan ay kumuha din siya ng kurso sa pag-arte pagkatapos mabatid na pangarap ng nanay niya ang magkaroon ng anak na sikat. Noong 2002, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga kakilala na hindi siya artistahin ay nagpasya siyang magtungao sa Laguna upang doon nalang magtrabaho. Doo'y pumasok siya sa Hitachi GST Philippines, kung saan, sa ikalawang araw pa lang ay naiwan na siya ng shuttle papasok sa opisina kaya nag lakad, nag jeep at naligaw. Nang sumunod na taon ay nakuha niya ang perfect attendance award dahil sa hindi pag-absent kahit walang ginagawa.
Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Naglakbay siya sa Singapore at nagpakadalubhasa sa pagpuna ng mali ng ibang kumpanya. Pagkatapos ay tumungo sa Batam, Indonesia, kung saan siya unang nakakita ng aquariun na maraming sumasayaw na hindi isda.
Marami pang pagkakapareho ang buhay namin ni Rizal, kasama na dito ang dami ng naging babae niya. Ay ako pala isa lang...si Grace lang.
Pero ang pinaka malaking pagkakapareho namin ay parehong Birthday namin ngayon.
Upang lubos kong madama ang kabayanihan ng idol ko. Pinili kong i-celebrate ang birthday ko sa isang restaurant sa Solenad Nuvali Sta. Rosa Laguna ang Crisostomo. Hango kay Crisostomo Ibarra o Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin na pagunahing tauhan sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.
Bilib ako sa mga putaheng inihahain ng restaurant na ito. Bukod sa lahat ay pinoy na pinoy ay nakaka-aliw ang mga pangalan ng putahe na simisimbolo sa mga tauhan ng mga nobelang akda ni Rizal at ilan sa mahahalagang bahagi ng buhay niya.
Para sa inumin ay umorder ako ng Tamarind Ice Tea (Bottomless). Unang pagkakataon kong nakainom ng sampalok juice..akala ko kasi dati ay pangsigang lang ang sampalok. Pwede rin palang gawing pampalamig na totoo naman refreshing!
Si Grace naman ay umorder ng Calamansi with malunggay juice. Parang pagkainom mo nito ay sumabak ka na rin sa isang cleansing diet at makakahiyan mo nang kumain ng kolasterol.
Halo-halo ni Crisostomo sa dessert. Malinamnam pero hindi matamis. Sa tantya ko ay ang gatas na ginamit dito ang nagpalinamnam ng lasa nito. Sa halagang 95 pesos, parang may piging na nagaganap sa loob ng bibig ko.
Nakakabusog balikan ang panahong halos 'sang siglo na ang nakalipas. Masarap palang damhin ang pagiging Filipino at ipag-sigawang dugong bayani ang nananalantay sa ugat ko kasabay ng isang makabuluhang dighay. Eto at halata naman sa tiyan...
Sarap: 4/5: Babalikan ko to sa araw ng kalayaan.
Lugar: 3/5: Mas patok kung mukhang piging ang ayos ng hapag.
Serbisyo: 5/5: Ang bilis dumating ng pagkain, hindi pa ko naiinip nasa harap ko na.
Halaga: 3/5: Sana may discount pag kabirthday at sing pogi ni Rizal.
6/1/11
Huling Hirit!
Ang resort na ito ay mukhang dinesenyo para sa isang kumportableng bakasyon kasama ang pamilya. Kapansin-pansin ang mga facilities na karamihan ay angkop sa mga nagbabakasyon na may kasamang bata. Sa dining area ay may sapat na bilang ng high chair para sa mga bata, hindi mo na rin kailangan bumili ng tubig dahil mayroong mga mineral water dispenser na may hot and cold water pa. Ang mga life jacket ay maari mo ring hiramin ng walang karagdagang bayad. Obligado ka lang na magbayad ng 1,100 pesos kada araw para sa apat na meal (buffet). Lunch, Meryenda, Dinner at Breakfast. Hindi na masama, dahil nangangahulugan lang ito na hindi mo na puproblemahin ang pagkain mo sa buong araw at gabi na pananatili dito.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjV9qZjBTkeIaA5d71AHPD5x5BBr0j4EBj6D2iFiZMA4ujwEFFloImsr1yxRuP8Sduodhbdp_fI13pQ5dcQm2rzjlaUf_IsyAcP9yCnvpqobCnGA3Mxq86ki5bWg3wHSFuLH1NHizJgvnaN/s400/ee.jpg)
Matapos ang mahabang byahe..pagod at gutom..hindi na siguro masamang maubos ko 'to...
Matapos ang mahabang byahe..pagod at gutom na dama ko parin naman hanggang gabi ay hindi naman siguro masamang maubos ko ulit 'to....
Matapos ang mahabang byahe..pagod at gutom kahapon..ay mauubos ko parin to...